Showing posts with label Huwaran. Show all posts
Showing posts with label Huwaran. Show all posts

December 9, 2010

In The Corner



Why do we paint those window grills red?
When we can express it in green
What can you say about that vase in the corner?
We can put flowers instead of twigs

What is more delirious than on a building crane?
Always above its masterpiece until the latter is done
Why do we put those flowers in a pot when it can grow in wild?
No spraying of water when earth can provide

It is best arranged in a group
Why those cable wires intertwined
Natural air you can breathe
What is inside those windows we hide?

Who can answer my questions?

I should be the one thinking

The best that we can be
Is answered by knowing who should be

April 13, 2010

Talumpati


Magandang umaga po sa inyong lahat!


Ano ang edukasyon? Sapat na ba ang makasulat ng pangalan at makabasa ng ABAKADA? 

Sa aking pagdaka sa bulwagang ito ay nararamdaman kung muli ang mabilis na tibok ng aking puso habang nilalabanan ko ang aking naguumapaw na kasiyahan. Kaakibat ng kasiyahang iyon ang pagaalinlangan na pumupukaw sa aking diwa sa totoong kalagayan ng aming buhay. Ang mapagtanto sa aking paggising na kailangan kung magbanat ng buto upang makatulong sa aking magulang. Maaga akong namulat sa pagaalala sa kung ano nalamang ang kakainin namin kung kami’y magaaral pa sa mataas na paaralan mula sa kakarampot at hindi matatag na hanap buhay ng aming mga magulang. Hindi palang ako nagaaral ng elementarya ay alam ko na ang magsaing, maglinis ng bahay, mag-igib ng tubig, maglaba habang binabantayan ang aking nakababatang kapatid. Mula sa gigiwang-giwang at tagpi tagping bahay sa tuktok at matarik na dalisdis sa Libis ay nasilayan at namulat ang aking batang isipan sa kung ano ba talaga ang hirap at pagtitiis.


Hindi pa ako nagaaral noon. Natatandaan ko ang pagpapalit palit ng aking mga nakatatandang kapatid sa pagaalaga sa amin habang sila’y pumapasok sa paaralan samantalang abala naman ang aming mga magulang sa paghahanapbuhay. Nagbobobo si papa o kaya ay nagsasabat sa basnig habang si mama naman ay naglalabada sa Mercedes. Kapag sabado’t linggo ay kami namang magkakapatid ang namamalakaya, bitbit ang isang supot ng plastik o kaya’y tabo para magtuwad tuwad, magsihi at gulaman. Nagbagyo at nasira ang aming bahay sa Libis.



Patuloy pa rin ang pagpunta naming magkakapatid sa bakolod ngunit kapag dumarating ang panahon ng amihanun-bugkat, balilit, bagu-ngon naman ang aming kinukuha sa pakatan upang gawing kalakal sa Mercedes. Hindi mo alam kung ano ang maaapakan, makakapa at mararanasan kapag nasa pakatan ka na. Ahas, lamok, tihim, gasang at kung ano-ano pang bagay na maaaring mitsa ng iyong buhay. Makalipas ang ilang taon muli kaming lumipat ng bahay sa lugar kung saan kami kasalukuyang nakatira na sya namang pagsisimula ng aking pagpasok sa elementarya.



Hindi na ako nakapag daycare o kinder noon. Tanging lampara, tukarol o kaya’y ang tumatagos na sinag ng buwan mula sa nakangiting bubungan ang nagsisilbing ilaw namin sa magdamag. Walang TV, kompyuter at celfone noon tanging ang betamax na nagkakahalaga ng isang piso ang bawat pelikula ang nagsilbing taga hatid ng kung sino ang sikat.

Sabay sabay na kami nina ate sa pagpasok sa elementarya. Natatandaan ko noon na sa unang araw ako’y nakababa kay Ate habang pinapakinggan ang sabi nina mama at papa na diretso ang tingin papasok sa paaralan at huwag lilingon. Yun nga ang aking ginawa. Ngayon ko nalamang napagtanto kung ano ang ibig sabihin noon. Ang aking dipaglingon upang harapin at tahakin ang aking pangarap ang naging sandalan at pilosopiyang natatak sa aking isipan na kahit ano pa ang dumating sa aming buhay ay magiging matatag ako. Ang pagbaba naman sa akin ng aking Ate patungo sa unang araw ko sa paaralan ay simbolo ng sama-sama naming haharapin ang lahat ng pagsubok ng buhay. Naging instrumento din ito upang patuloy kaming mangarap ng sabay sabay upang baguhin ang aming buhay kung hindi man ang aming kapalaran.


Hindi na rin iba sa amin ang kumain ng lugaw tatlong beses sa isang araw o kaya’y inihaw na balaw na dina-ilan sa likod ng sandok na may kalamansi at nilamas sa niyog. Mas marami pa ang niyog keysa sa kanin. Ang kumain ng nilagang balilit o kaya’y sinabawang bugkat. Ang pumasok sa paaralan ng walang laman ang tiyan o baon man lamang. Ang umuwi tuwing recess upang magsaing para sa pananghalian. Ang tumira sa maliit na kubo na nakatirik lamang sa natumbang puno ng niyog sa loob ng tatlong buwan noong 1995. Ang mga pangyayaring katulad ng aking nabanggit ay siyang nagmulat sa akin upang paghusayan ang aking pagaaral. Hindi ko magagawang umunlad kung hindi ako magaaral ng mabuti at kung magpapadala o ipapaubaya ko nalamang sa Diyos ang lahat pati na rin ang kapalarang aking nagisnan.



Naniniwala po ako sa himala, himalang ako rin ang gagawa. Kung ang buhay sana’y umuulan ng himala ng tagumpay, sana’y humiling nalamang ako sa langit ng isang himala. Himalang sana’y sa tuwing paggising ko’y may isang takal ng bigas na pwedeng gawing lugaw para sa pananghalian. Ni isang butil ng bigas ay hindi nakukuha ng dahil lamang sa himala.

Sa totoo lang ayaw ko ng ibukas pa sa inyo ang aming buhay sapagkat di naman ito lingid sa kaalaman ng lahat. Ang pagtayo ko dito ay isang patunay sa ating lahat na hindi kailanman matatawaran ang pagpupunyaging makapagaral, baguhin ang buhay at mangarap. Natitiyak kong iba’t iba rin ang hirap, pagsubok at pakikipagsapalaran na inyong nararanasan subalit hindi natin maaaring talikuran ang bukas at hayaan ang ating sariling mapagiwanan. Kung ano man ang naglugmok sa atin sa problema at kahirapan ay hindi na mahalaga bagkos gawin nalamang itong inspirasyon sa pagabot ng ating mga pangarap.


Sa ngayon aking unti unting nasisilayan ang katuparan ng aming mga pangarap. Kahit hindi pa lubusang namumunga ang aming mga pagsisikap ay naririyan pa rin ang adhikaing umunlad at patuloy na makipagsapalaran sa buhay. Nais ko sanang makita ang aking mga magulang na namumuhay ng matiwasay o di kaya’y nagbobobo o nagtutuwad tuwad upang sariwain nalamang sa kanilang isipan ang mga pangarap na nabuo dahil sa ganitong hanapbuhay. Yung tipong hindi na sila gigising ng maaga upang pandawin ang bobo o di kaya’y magtinda sa Mercedes na kapag walang huli ay kakain pa rin sila ng sapa.



Habang pinagmamasdan ko kayo ay sumasariwang muli ang lahat ng hirap at tagumpay na aking naranasan. Sana tapos na rin ang pagiging matigas ang ulo, pagbubulakbol, at sobrang umasa sa ating mga magulang. Totoo ang laging sinasabi ng ating mga magulang na ang makapagtapos ay makakamit lamang sa pamamagitan ng ating sariling disposisyon at pagpupunyagi at lahat ng bunga nito’y mananatili sa atin. Nakakapangilid ng luha ang masilayan ang mga batang ito na magtatagumpay balang araw. Sa inyong mga nagsipagtapos ngayon at sa lahat ng mga batang naririto isang taus pusong pagbati ang aking pinararating. Congratulations!



Isa pong masigabong palakpakan para sa mga nagsipagtapos ngayon.

“Kaya nga kita pinapapasok sa paaralan kasi hindi ko alam yan! Ako ba ang nagaaral? Bakit ako ang tatanungin mo? Mga pananalitang iresponsable at walang pagasa. Ang lahat na inyong ipinapakitang kahinaan ng loob, kawalan ng pagasa, katamaran, pagsusugal, paginum ng alak sa maling paraan at lugar, pagmumura, at kawalang interes sa edukasyon ay tumatatak sa bawat isipan ng inyong anak. Gayunpaman natutuwa po ako at ang mga batang naririto na makita ang mga magulang na walang humpay na nagaaruga, nagdidisiplina at nagpapakita ng kalakasan ng loob sa kanilang mga anak upang pagtagumpayan ang mga hamon ng buhay. Ipakita natin sa ating mga anak ang tamang disposisyon, paggalang sa kapwa, tamang moralidad, at walang humpay na pagsasakripisyo. Igalang din ang kanilang kagustuhan, hikayatin at tulungang tumayo sa kanilang sariling mga paa at gabayan sila na maging kapakipakinabang na mamamayan at may takot sa Diyos.


Sa mga guro at tagapamahala ng paaralan na siya namang naghubog ng aming murang isipan, isang taus pusong pasasalamat po ang aking pinapaabot. Ang patuloy at walang humpay na pagpupunyaging turuan at gabayan ang lahat ng mga magaaral, upang makamit ang kanilang mga pangarap ay walang kapantay at mananatili sa aming mga puso. Sana’y muling bumalik sa inyong alaala at magsilbing inspirasyon ang lahat ng aming naabot at walang humpay na pasasalamat. Aming dalangin na sana’y manatili kayong matatag at dalisay sa hangaring makatulong at maibahagi ang kaalamang magiging pondasyon ng mas magandang bukas para sa kanilang kanya kanyang buhay.



At sa mga pinuno ng ating bayan, nawa’y magsimula sa inyo ang mga bayani at ehemplo ng mga batang naririto. Tulad ko ninanais din nila ang isang bayang makakapagbigay sa kanila ng sapat na trabaho, malinis na bayan, tahimik na kapaligiran at isang institusyong kanilang irerespeto at titingalain pagdating ng panahon. We hope that you leave a legacy of respect, honesty, dedication, transformation and good example.



Marami ang nagsasabi, na kahit hindi ka magaral ay magiging mayaman ka at maaari mong abutin ang lahat ng iyong pinapangarap. Totoo yun subalit iba pa rin ang yamang maibibigay ng edukasyon. Edukasyon ang magpapalaya sa ating isipan na gawin ang tama, ang magpapaunlad ng ating sarili at ng ating bayan at kapwa.



Totoong ang pagkakaroon ng edukasyon ay makakapagbago ng ating buhay subalit hindi lang basta edukasyon ang ating kamtan bagkos edukasyong nagbubuo, nagaagapay at gumaganyak tungo sa pagbuo ng isang desente, disiplinado, may respeto, at takot sa Diyos na mga mamamayan. Ang kooperasyon ng mga magulang, guro, pamahalaan at iba’t ibang sektor ng ating lipunan ay may mahalagang papel upang mahubog ang talino at karakter ng mga batang naririto at ng mga susunod na henerasyon.



Hayaan ninyong tapusin ko ang talumpating ito sa pamamagitan ng isang tanong para sa ating lahat. “Ano ang pangarap mo?”

February 25, 2010

Legacy


The peaceful uprising 25 years ago that ends and crippled to its knees the proud and powerful and marks the new beginning of freedom, peace and humble leadership is being question whether it has succeeded to deliver its substance. It is confusing to note that inspite of our success to gain freedom we still want to have a piece of it.


We are again defining leadership and everyone hope it will be reckoning time of something we've so much awaited. True leadership. Unconditional leadership. Leadership with and for the people. Leadership that boils down to love, courage and faith. Leadership that move and retains a legacy. Leadership that breaks and heals. Leadership that we aspire, dream and hope. In the end, leadership that remains an ideal, mystery and high hopes...never happen, never end and dead.



Our leaders created a building block of prosperity and success and show us an act of courage, sacrifice and leadership that shines. We hope to see a brighter light of their aspiration and a good influence of their deeds.

If we failed, we blame others for our failure. We instill bad images of our detractors. We perceived and long for the collapse of our enemy. By then an image of an enemy we perceived lies in our very system. Everyone wanted to be a leader. Everyone is too proud to submit and follow.


Desperations come to all those who sees and wait. Aspiration for change remains to those who doesn’t cares if not have no knowledge to judge. Trying luck to those who believe in their guts and emotions they pour. After all, it was still a failure.



Governance defines the kind of society, spell the pride of the people and perceive the leadership that shall rise or keep constituents from the quagmire of mislabeling. Everything rests in the government. The government shall at all its might shall move mountains of negative thoughts, shall work for the lame people and fight for its idealistic democracy. If governance fails so its people fails. Governance is creating a solid bureaucracy. Governance is looking for elite financing. Governance is showing an image of power. Without a piece of it governance is destined to fail. All idealists shall fail and remain in the hindsight of their dreams.


Let there be war. We cannot achieve prosperity and success without war. We cannot realize our dreams without war. We will not mature as a country without war. We will not realize the true meaning of love, courage and peace without war. Let there be war within us.
We can be a copy cut forever. We can simply put our future to the hands of other race. We can wait until we drop our aspiration. And then fail to create our identity as a nation.



What legacy will you print in the history of the Philippines?

February 4, 2010

The Red Checkered Polo



They call me nerd, weird, idiot and so on...


Imagine me, someone who comes to class with unironed uniform, uncombed hair, filthy smell and with a blue briefcase walking with great dignity as I approach people and peers. What would you expect to happen? Yes, they laugh and mock at me. They treat me like an ill-gotten person. But no, for me I thought of it the other way, I make them happy and they are just insecure of me. That's why I am alone; I am a freak loner - for them. My one and only companion is my red-checkered polo; and wearing this long-time favorite suit has been a trait of my shameful past.


Out of self-pity, all I can do is to cry every single night. That has been almost for three weeks because I cannot avail to wear the prescribed uniform... I am being humiliated every day. I can't change my outworn outfit into something better like those worn by my fellow ones, for I don't have anything to change it. My favorite red-checkered polo has been already a memory of three generations.



More often than not, I fail to win my own friends, 'cause nobody dare trust my 'heinous' looks and retro-outfit! There is something in me who will soon burst...crucial will it be! Gibberish! For two months at school, I have contented myself in just sitting to the most cornered and remote place at our library. Engrossed in thinking of my egg viand on my plastic box for lunch...I keep it between the books in my briefcase, oh well, I mean egg for my breakfast but saved long to reach my lunch break. Terrible, isn't it?



I want to give up! How I wish our graduation come just fast to live this earth bound and superficial glow with my red checkered polo...How I long that the egg viand I've saved for lunch to become a roasted chicken by itself... But no matter how I wish and long for things, I always fail. It's because I have to wait more often for that graduation day to come. Oh, I'm growing old in this school. All I could routinely do whenever I meet fellow students is to cover my ears and close my eyes for their heartbreaking mockery, disgust and discrimination to me. But the more I close my eyes and tightly cover my ears, it is as if it becomes more vivid in my memory to see their mocking faces and to hear their gruel some voices. It really turns me to pieces.



But Yes! Despite all of this, I have to stay this long for I care for my scholarship and for my 'own' life...I still carry to live my hilarious looks though I tremble whenever I hear bad news as to closing of the school curriculum. And care to ask more "whys"? Because last month of July, I met someone who believes in me and this one is not afraid to be with me despite of my silly appearance, someone learns to love my red checkered polo... other than me. So keep quiet! Leave this 'someone' to me...

February 3, 2010

Birthplace




Bangkang May Tatod



Namulat ako sa kapaligirang basa. Kasama ang aking mga kababata ang pakatan na ang aming naging palaruan mula sa edad na lima. Ang pakatan ay isang anyong lupa na nagkakaroon ng tubig alat o tabang kapag tumataas ang tubig. Karaniwang tumutubo ang punong mangroves tulad ng bakawan, kuyapi at sapinit. Madalas itong masukal, mabatong matutulis at maputik. Ang anyong lupa ding ito ay mayaman sa lamang dagat tulad ng alimango, hipon, kabibe at mga sarisaring isda. Ang bawat isda at alimangong nakikita at nahuhuli namin sa mga sulok ng bakawan at bato ang naging katumbas ng counter strike. Lubha nga lang mahirap ang aming laro subalit ito naman ang nagdudugtong sa aming bituka.
Sa aming paglusong at pagpanhik sa putikan kasakasama na namin ang bangkang bilog na tinutubuan ng tatod. Ang tatod ay isang organismong kumakain ng mga nabubulok na puno sa pamamagitan ng pagbutas hanggang tuluyang maubos ang kanilang kinapitan. Ang bangkang may tatod ding ito ang nagbibigay sa amin ng konting ginhawa habang sumusuot kami sa masukal na bakawanan habang mataas ang tubig. Ang masisikip na sapa ang nagsisilbing daluyan ng tubig alat o tabang.
Ang bobo ang aming panghuli ng alimango, isda at hipon. Ang bobo ay isang kagamitang pangingisda na yari sa kawayan, tinalakid at hinugisan ng bilog sa gitna at nilagyan ng malaembodong butas na yari din sa kawayan sa magkabilang dulo. Pinapainan ito ng isda o hayop upang pumasok sa loob ang mga walang malay na huli. Sabi ni ama kaya bobo ang tinawag dito kasi kapag nakapasok na ang kahit ano dito ay hindi na makakalabas. Nakapasok tapos hindi marunong lumabas! Bobo!
Mahirap ang buhay pakatan kapag wala ang bangkang may tatod. Subalit kahit ganon sya kahalaga sa amin may mga limitasyon din itong di namin kayang iwasan. Kapag mababaw ang tubig kailangan naming maglakad ng nakapaa sa pakatan upang ilatag ang mga bobong patibong. Kailangang itali at iwanan namin ang patibong na ito sa loob ng labing dalawa hanggang dalawampu’t apat na oras upang maabutan ito ng isang pagtaas ng tubig. Habang kalahatian palamang ang pagtaib o pagkati saka naman kami lulusong kasama ang bangkang may tatod upang kuning muli ang mga inilatag naming bobo sa gitna ng pakatan.
Ang pamumuhay na ito ay parang pagtaya sa lotto. Umaasa lamang sa agos ng tubig at biyaya sa kalangitan. Minsan may huli madalas bokya! Lumipas pa ang mga taon tuluyan ng kinain ng tatod ang buong katawan ng bangka. Unti unti itong naging marupok at nabiyak. Sa gitna ng pamamalakaya ni ama tuluyan ng bumigay ang pagod at marupok na katawan ng bangka. Hindi na rin matiis ni ama’t ina ang kalagayan nito hanggang sa gitna ng pakatan kung saan siya nagkasilbi at nagsilbi ay unti unti ring binaon sa putik ang kanyang alaala.
Makalipas ang isang buwan magiging bahagi na nya ang putik at ang natitira pa nyang katawan ay tutubuan naman ng talaba at iba pang organismong maaaring kainin. Ayaw ko ng pagusapan pa ang bangkang iyon. Hindi pa ako handang isalaysay ang mahabang kwento ng aming pagsasama. Kung papano ko naging paksa sa kwentong ito ang bangkang may tatod ay gayon nalamang ang halaga nito sa aking buhay.

February 2, 2010

Simply Life


Facing the running river

With sun setting over the horizon

Seeking the wild caress of cold breeze

Divine it may seems for a young heart

I can no longer feel the calluses in my hand

My hips is full of tension from my paddling

My life is in a deep tranquil blue ocean

Vast but willing to be ashore

I am alive I can feel my breath

I have hands, ears and nose

To feel life hardships

Alas I can say that everyday is a blessing to everyone